wan ko nga ba kung bakit ako napasok sa ganitong buhay, lumaki naman ako sa krsityanong pamilya. Wala naman ako sinisisi sa pagiging bisexual ko, siguro naghahanap lang talaga ako ng kasagutan ko kung me mangyayari ba sa akin kung makahanap man ako ng pwedeng mahalin.
1 year ago
Habang nagsusurf ako sa net ng mga requirments ko sa school, naisipan ko munang tumambay sa isang gay site na kilala nyo marahil. Tamad na tamad ako nung panahong un, kasi puro na lang ako aral at pagbabasa ang inatupag, gragraduate na nga lang lahat ang dami pa ring requirments na kelangan. Out of curiosity, binuksan ko ung chat room nung site, basa ako ng basa ng mga pinopost ng mga chatters, nadyan na ung, pakikipag eyeball, ung mga gusto magshow,. Hanggang sa mabasa ko ung nagpost na "chuby guy here", well sympre tinry ko na makipagkilala sa kanya,. "hi joshua here", u? Nasl?, I am CJ, 25, qc.. kaw asl mo? 20, m, btangas..
Pagkatapos ng aming paguusap sa net, naputol na ang aming communication, medyo naging busy din ako sa studies ko. Pero one time, tinry kong itext ung number na binigay nya sa akin. Wala reply ako natangap galing sa kanya. Di ko sya tinigilan, inaraw araw ko ang pagtetext sa kanya, kung kumain na ba sya, gud morning sa kanya, ingat sya, maganda na ung araw ko kahit wala ako narereceive na message galing sa kanya.
Isang araw pagkatapos ng duty ko, isang mensahe ang nagpasaya sa akin " hi kamusta ka?'', galing ke cj, sympre nagulat ako at medyo nashock kasi first time ko nakareceive ng text galing sa kanya. Sa puntong un, dun na nagsimula ang pagpapalit namin ng mga magagandang messages. Adyan na ung mga pag gising namin sa isa't isa sa umga, yung dumdating sa point na kahit 4 am ginigising nya ako para maghanda na sa aking pagpasok, kasi nung panahong un sa isang call center sya nagwowork, kaya naman nagigising nya ako ng ganung oras. Masaya ako sa ganung set up namin, at masaya din naman sya. Tuwing gabi, lagi kami magkausap sa phone, di malilibanan ng isang araw ang aming paguusap. Hanggang sa isang araw, nagtext sya sa akin ng " dave ayaw ko nang nararamdaman kong ito..", sympre nagreply ako sa kanya at tinatanong ko sa kanya kung anu bang problema at ganun sinabi nya. Wala akong reply na nareceive galing sa kanya, siguro mga 30 minutes din ako naghintay sa reply nya pero tlgang wala ako nareceive. Pinamimiscolan ko sya, pero out of reach ang phone nya, medyo nagaalala ako sa kanya, kasi alam ko asa byahe sya galing Lucena, ang huling text ko sa kanya ay, "anu ba problema? Magsabi ka, sige me exam na ako", at pinatay ko muna cellphone ko.
Matapos ang examination ko, nabigla ako sa reply nya " J I LOVE U"..